Saturday, July 18, 2009

Pauleen Luna admits closeness with Dennis Trillo




Inamin ni Pauleen Luna na espesyal ngayon ang pagtitinginan nila ng kapwa Kapuso star na si Dennis Trillo. Kaya may mga nagtatanong kung si Pauleen kaya ang dahilan nang hiwalayan nina Dennis at dati nitong kasintahan na si Christine Reyes?

Sinasabing nagsimulang magkalapit ang loob nina Pauleen at Dennis sa taping ng bagong romantic/comedy series sa GMA Network na “Adik Sa’Yo." Ang madalas daw nilang kuwentuhan at pagkakadiskubre ng mga parehong interes ang lalong nagpalapit sa kanila.

“He is very special to me, we’re really close and he’s special," sambit ni Pauleen nang tanungin ni entertainment reporter Lhar Santiago.

“Ayaw muna naming tawagin ng kung ano-anu basta ano po siya, he’s very important to me," idinagdag ng magandang dalaga sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.

Inamin din ng aktres na nagkikita sila ni Dennis kahit walang taping para kumakain sa labas, nanonood ng sine at namamasyal.

Masasabi kayang ‘MU’ (mutual understating) ang estado ng kanilang relasyon?

“Ewan ko Tito Lhar. Basta kami nagkakasundo, masaya kami ‘pag magkasama kami," tugon ni Pauleen na kitang-kita ang kasiyahan.

Pero iginiit ni Pauleen na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Dennis at Christine na itinanghal na most sexiest woman ng isang men’s magazine sa Pilipinas.

“When it was starting siguro po mga three, four times (ko) na tinanong (si Dennis). Kasi ayoko ng magulo, ayoko ng may sabit, sabi nya naman po wala, and I believe him," paliwanag ng aktres.

Nang tanungin si Pauleen kung sinabihan na ba siya ni Dennis ng 'I love you,' ang masayang tugon ng dalaga. “Basta po close po kami talaga, we’re really close now."

No comments:

Post a Comment

ADDS

Your Ad Here

ADDS

Your Ad Here

ADDS

Your Ad Here

PANHUGANYA CHATBOX!

ADDS

Your Ad Here

Search This Blog

anung tv network sa pinas ang #1

Powered By Blogger