Saturday, July 18, 2009

Sexbomb’ Rochelle to star in Pacquiao sitcom



Kinumpirma ng kampo ni “Sexbomb" dancer Rochelle Pangilinan na tinanggihan nito ang alok na maging isa sa mga kontrabida sa inaabangang action-series sa Kapuso Network na “Darna."

Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na isa dapat si Rochelle sa mga villain ng Pinay superhero na si “Darna" na pagbibidahan naman ni Marian Rivera.

Hindi na umano maaasikaso ni Rochelle ang “Darna" dahil siya rin ang magiging lead star sa bagong season ng “Daisy Siete." Kabilang din siya sa mga makakasama ni Manny Pacquiao sa magiging sitcom nito sa GMA Network kung saan magiging mainstay din si Marian.

Bukod pa rito ang mga out-of-town at out of the country shows na gagawin ng magandang dancer/actress.

“Sa July 28 pa kami nag-i-start ng taping," masayang kuwento ni Rochelle sa sitcom nila ni Pacquiao nang makapanayam sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Excited ba naman si Rochelle sa sitcom na pagsasamahan nila nina Pacquiao at Marian?

“Siyempre naman. Makakasama mo ba naman si Manny Pacquiao, nakaka-excite sobra (makasama mo) ang ‘Pambansang Kamao,’ ayon kay Rochelle.

Idinagdag niya na nagkaharap na sila ng world boxing pound-for-pound champ at wala siyang masabi sa kabaitan at pagiging down-to-earth ng Pinoy boxing icon

No comments:

Post a Comment

ADDS

Your Ad Here

ADDS

Your Ad Here

ADDS

Your Ad Here

PANHUGANYA CHATBOX!

ADDS

Your Ad Here

Search This Blog

anung tv network sa pinas ang #1

Powered By Blogger